Kabilang rin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nabigyan ng scholarship program ng British Embassy Manila bilang bahagi ng ‘outreach program’.
Ito ang sinabi ni British Ambassador to Philippine Asif Ahmad sa pagbibigay katuwaan at kasiyahan sa 45 sundalo mula sa AFP sa isinagawang mini-tournament na DisAbility in Sports tampok ang mga larong 50m wheelchair race, 50m walker race, 100m dash, blow a flour at cookie face sa Cuneta Astrodome.
“Right now, we have two soldiers who are taking up Masteral degree in Peace Study and the in Management. This is part of our outreach program not just for our soldiers but in the whole country,” sabi ni Ahmad.
Hinati ang mga sundalo sa apat na koponan na Blue Team, Red Team, YellowTeam at Green Team na naglaro ng kabuuang siyam na fun games bilang parte ng programa na makalimutan ang masamang karanasan sa kanilang pagtupad sa tungkulin na nagdulot ng iba’t-ibang kapansanan sa mga sundalo.
Ang programa ay bilang parte ng selebrasyon ng UK-Philippines Friendship Day sa susunod na buwan.
Nakatakda rin magsagawa ng outreach program sa susunod na Linggo ang embahada ng Great Britain sa isang rehabilitation center sa Taguig.