Inaasahan na madidiskubre na ng maraming lokal at banyagang turista ang kagandahan ng Dinagat Island Province sa timog ng Leyte Gulf ngayong maayos na ang mga daan patungo rito.

Kinumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proyektong kalsada na nagkakahalaga ng P425 milyon. Sakop nito ang 11-kilometrong Dinagat-Loreto Road na nag-uugnay sa munisipyo ng Cagdianao, San Jose, Basilisa, Libjo, Tubajon at Loreto sa Dinagat Islands.

Sinabi ni DPWH Region 13 Director Danilo Versola na makikita na ang pagbabago sa turismo at socio-economic development sa Dinagat Islands matapos makumpleto kamakailan ang mga itinayong kalsada.

Binansagan na “Mystical Island Province of Love”, ang Dinagat Islands ay tahanan ng mga paniki na matatagpuan sa bayan ng Tubajon; White Castle, ang mala-Disneyland na istruktura sa bayan ng San Jose; Kisses Islets sa Libjo, kaakit-akit na dalampasigan sa bayan ng Basilisa, at marami pang magagandang tanawin. (Mina Navarro)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists