Inaasahang nasa labas na ngayon ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Julian’ matapos manalasa sa Hilagang Luzon.
Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon, isinailalim sa public storm warning signal (PSWS) No. 2 ang Batanes at Babuyan Group of Islands habang nasa signal No. 1 ang ilang bahagi ng Northern Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Huling namataan ang bagyong ‘Julian’ na may international name na ‘Aere’ sa layong 125 kilometer kanluran ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging 85 kilometer per hour (kph) at bugsong 130 kph malapit sa sentro. (Rommel P. Tabbad)