KALIBO, Aklan – Nasa 70 magsasaka ang nagsagawa ng kilos-protesta para sa hinihinging sapat na bayad sa kanilang lupa na maaapektuhan sa pagpapalawak sa Kalibo International Airport.
Ayon kay Herman Baltazar, mula sa Kalibo International Airport ay nilakad ng mga raliyista hanggang sa kapitolyo ng Aklan, o nasa limang kilometro sa kabuuan, upang igiit sa gobyerno na mabigyan sila ng relokasyon at sapat na kabayaran sa kanilang lupaing masasakop ng paliparan.
Bago umabot sa kapitolyo ay naapektuhan na ng rally ang trapiko sa Kalibo. (Jun N. Aguirre)