Dalawang Hong Kong national at isang Russian ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagpuslit ng 27 kilo ng hinihinalang cocaine na isinilid sa kanilang mga bagahe matapos dumating sa bansa mula sa Brazil.

Kinilala ni Col. Marlon Alameda, pinuno ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang mga naaresto na sina Chan Kawai at Pau Homanevan, kapwa Hong Kong national, at Russian na si Kirdyushkin Yuri.

Ang tatlong dayuhan ay dumating sa bansa dakong 4:30 ng hapon nitong Miyerkules sa NAIA mula sa Rio de Janeiro, Brazil sakay ng Emirates Air flight EK 332.

Agad inalerto ng BoC at PDEA ang kanilang mga tauhan na kapag positibong nakilala ang tatlong pasahero at kinuha ang kanilang mga bagahe mula sa conveyor, ay dalhin sa tanggapan ng Customs para sa kaukulang inspeksiyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang bulatlatin ng mga opisyal ang bagahe ng mga ito, nasamsam sa bagahe ni Yuri ang pulbos na cocaine at iba’t ibang klase ng likido na kasalukuyang sinusuri ng BoC at PDEA ang sangkap.

Habang ang bagahe ng dalawang Tsinoy ay naglalaman ng siyam na kilo ng pinulbos na shabu.

Nabatid na ang shipment ay tinatayang nasa P135 milyon ang halaga. (Mina Navarro)