CALIFORNIA (Reuters) – Nitong nakaraang taon ay palihim na gumawa ang Yahoo Inc. ng isang custom software program para masilip ang incoming emails ng lahat ng customer nito at makuha ang mga impormasyong hinihingi ng US intelligence officials, ayon sa mga taong pamilyar sa usapin.
Tumupad ang kumpanya sa classified demand ng gobyerno ng Amerika at binuksan ang daan-daang milyong Yahoo Mail accounts sa kahilingan ng National Security Agency o ng Federal Bureau of Investigation (FBI). Ibinunyag ito ng tatlong dating mga empleyado at ng pang-apat na tao na nagpaliwanag sa mga kaganapan.
Hindi pa malinaw kung anong impormasyon ang hinahanap ng intelligence officials.