Timbuwang sa semento ang isa umanong drug pusher na matagal nang nasa watch list ng Philippine National Police (PNP) matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Sa report ni Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, dead on the spot ang suspek na si Aljon Hanna, 32, ng BMBA Compound, Barangay 120 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng iba’t ibang kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, inaresto naman ang mga parokyano ni Hanna na sina John Paul Gilng, 25, at Melchor Malingin, 26 at nahaharap sa kasong possession of dangerous drugs.

Ayon kay Col. Almaza, dakong 9:00 ng gabi, nakatanggap sila ng tawag na nasa bahay ang suspek at nagbebenta ng shabu sa kanyang mga customer.

AFP, nanindigan sa pananagutan, kontra korapsyon, atbp.

Pagdating sa lugar, nakatunog si Hanna at pinaputukan ang mga pulis saka nagtatakbo sa eskinita.

“Akala kasi nung suspek hindi siya hahabulin ng mga pulis natin. Kaya pinutukan siya,”ani Almazan. (Orly L. Barcala)