Oktubre 6, 1927, nang ilunsad ang “The Jazz Singer”, ang unang pelikula na may musika at diyalogo sa filmstrip.
Naiulat na hindi magkamayaw ang mga manonood nang simulan ng Broadway belter na si Al Jolson at co-star niyang si Eugenie Besserer ang eksena.
Itinanghal ni Jolson ang rendition ng six tunes, gaya ng “Toot, Toot, Tootsie”. Ang 89 na minuto ng feature presentation ng Warner Brothers ay ginamitan ng Vitaphone sound-on-disc technology.
Ang pelikula ay inspirado mula sa 1921 short story na “The Day of Atonement ni Samson Raphaelson. Ang budget ng pelikula ay aabot sa $422,000 (nasa $5.3 million sa halaga ngayon). Isinangla ni Harry Warner ang mga alahas ng kanyang asawa upang matustusan ang pelikula.