susan-ramsey-copy

DUMATING sa bansa si Susan Ramsey, ang isa sa tatlong anak ng yumaong singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey, mula Amerika para sa paggunita ng unang taong anibersaryo ng pagpanaw ng showbiz icon.

Habang nasa Pilipinas ang anak ng Queen of Rock and Roll, balak niyang ilipat ang labi ng kanyang ina mula sa himlayan nito sa Antipolo papunta sa kanilang probinsiya, sa Negros Occidental saan nakalibing ang mga kapatid nito at mga mahal sa buhay.

Sa panayam kay Susan, ibinuhos niya ang sama ng kanyang loob sa kapatid na si Jaya na hindi raw sinunod ang bilin ng kanilang ina na ilibing ito sa kanilang probinsiya.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“All she wants to do is to get buried kung bakit pinapagdrama ba naman, you know, ‘yun lang naman ang gusto ni Mama.

Wala naman siyang iba hinihingi, she gave us everything in life!” emosyonal na pahayag ni Susan.

Ibinunyag din niya sa media na hindi sila in good terms ng kanyang half-sister at mas lumala pa ang hindi nila pagkakaintindihan simula nang maging sikat na singer si Jaya sa ‘Pinas.

“Sometimes popularity changes you. It was kind of unusual, we were kind of tight in the beginning,” aniya.

Ang kanyang mensahe sa bunsong kapatid na si Jaya:

“She has to look and search inside her heart on what she done. She doesn’t have to ask forgiveness from me and all her brothers and sisters but to mama.”

Kaagad namang sinagot ni Jaya ang mga patutsada ni Susan na iniere sa Umagang Kayganda kahapon at sinabing bago namatay ang kanilang ina ay nagkausap na sila kung paano at saan ito ililibing.

“Nag-usap na kami ni Mama bago siya namatay. Wala naman ang mga kapatid ko dito bago mamatay si Mama,” ani Jaya.

Ngayong araw (Huwebes, October 6) magaganap ang paglilipat ng libingan ni Elizabeth Ramsey, pagkatapos ng misa ng alas dose ng tanghali.

Pumanaw si Elizabeth habang natutulog sa edad na 83. Naospital ang Queen of Rock and Roll ng Pilipinas bago siya pumanaw nang dahil sa atake ng hyperglycemia sanhi ng kanyang diabetes.