TARLAC CITY- Dahil sa labis na pag-aalala sa iniindang karamdaman, isang binata ang nagpasyang magbigti sa ilalim ng punong tanag sa Sitio Bangan Lupa, Barangay Tibagan, Tarlac City, nitong Martes ng umaga.

Sinabi ni SPO2 Lowel Directo na ang pagbibigti ni Jomari Dialogo, 20, ng Sitio Mabagliw, ay nadiskubre ni Arturo Baladad, 52, ng Sitio Bangan Lupa, Bgy. Tibagan, Tarlac City.

Ayon sa ama ni Jomari na si Jose Dialogo, 49, may malaking problema sa kalusugan ang kanyang anak at dalawang buwan lang ang nakalipas ay nagtangka na itong magpakamatay sa paglundag sa dam bagamat napigilan ito ng mga kaanak.

(Leandro Alborote)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder