robin-padilla-copy-copy

SA kanyang Facebook account idinaan ni Robin Padilla ang kanyang pasasalamat na walang masamang nangyari sa pamangking si Mark Anthony Fernandez nang mahuli dahil sa marijuana.

“Purihin ang Panginoong Maylikha mahal kong pamangkin... Nakahinga ako ng maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay, Mark. Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo... Sir Bato at sa Angeles City PNP, tanggapin ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal na paghuli kay Mark Anthony Fernandez... Alhamdulillah.”

Kahit ganoon ang nangyari kay Mark, marami pa rin ang naaawa sa kanya lalo’t bagong panganak pala ang live-in partner niya. (NITZ MIRALLES)
Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’