Ang kawalan ng interes ng local government units (LGUs) ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling nakabinbin ang pagbigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senator Grace Poe, iilan lamang ang dumalo sa nakalipas na tatlong public hearing ng Senate Committee on Public Services.

“Kasama dito ang local government dahil sila naman ang apektado dito, pero hindi naman sila pumupunta. Kahit gusto ko pang madaliin, hindi naman sila pumupunta, paano na ito?” ani Poe.

Events

Judy Ann Santos, kinilala ng Senado dahil sa Best Actress award

Idiniin ni Poe, kailangan ang partisipasyon ng LGUs sa pagpapaluwag ng trapiko. (Leonel M. Abasola)