Nasa Germany ngayon ang isang opisyal ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang ibahagi ang kanyang mga karanasan sa paghihikayat sa mahihirap na biktima ng bagyong “Yolanda” na lumapit sa Diyos.

Ibabahagi ni National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez, kasama ang 15 pari at madreng Pinoy ang kanilang mga karanasan sa idinadaos na World Mission Sunday Campaign mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 23 sa Germany.

Ang World Mission Sunday Campaign 2016 ay inorganisa ng Missio Aachen, na umayuda sa NASSA/Caritas Philippines sa rehabilitasyon at pagkukumpuni ng mga nasirang kapilya at simbahan sa mga lalawigan ng Leyte, Eastern Samar, Western Samar at Palawan matapos ang pananalasa ng super typhoon “Yolanda” noong 2013.

Ayon sa NASSA, tatalakayin ng grupo sa iba’t ibang diocese sa Germany kung paano nila ipinalaganap ang mga salita ng Diyos sa mga maralitang komunidad sa tatlong taon ng Yolanda rehabilitation program.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We noted that the resiliency of the Filipinos is really rooted on their faith. And we need to support the spiritual needs of the people to be able to really recover from the aftermath of such destruction,” sabi ni Gariguez sa isang pahayag. (Leslie Ann G. Aquino)