Tatanggap ng regalong P100,000 cash mula kay Manila City Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang labintatlong Manilenyo na tumuntong sa ika-100 taon sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week mula Oktubre 1 hanggang 7.
Sila ay sina Teodoro Ilagan na mula sa District 1, Aracelie Javalera, District 2; Alberto Hernandez, District 4; Felipe Mañalac, District 4; Ildefonsa Pardilla, District 4; Raquel Cabanilla, District 4; Casimira Lopez, District 5; Teresa Arriola, District 5; Juliana Aranas, District 5; at Josefa Asperilla, Eudocio Manaois, at Manuela Felicidad Mangilit, na pawang mga taga- District 6.
Sinabi ni Estrada na nararapat na parangalan ang mga centenarian dahil sila ay mabuting halimbawa sa bansa, at bihira na lamang ang mga taong nakakaabot sa 100 taong gulang.
Ito ay “simpleng handog na magagamit nila sa pangangalaga ng kanilang kalusugan,” anang alkalde.
(Mary Ann Santiago)