Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Julian’ at apektado nito ang limang lugar sa Northern Luzon.

Sa weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administrative (PAGASA), isinailalim na sa public storm warning signal (PSWS) No. 1 ang Batanes, Northern Cagayan, kabilang na ang Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Napanatili ni ‘Julian’ ang lakas nito habang tinatahak ang hilagang Luzon. Huling namataan ang bagyo sa layong 560 kilometro Silangan-Timog Silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometer per hour (kph) at bugsong 55 kph malapit sa gitna. Kumikilos ito pa-Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kph.

Si ‘Julilan’ ay pang-10 bagyo sa bansa ngayong taon. (Rommel P. Tabbad)

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!