BANGKOK (Reuters) – Agad na inaresto pagdating sa Thailand noong Huwebes ang isang student activist na tumulong sa pag-organisa ng mga pro-democracy protests sa Hong Kong noong 2014, sinabi ng immigration officials.

Si Joshua Wong, 19, ay idinetine sa Bangkok kung saan siya ay inimbitahan para magsalita sa dalawang unibersidad tungkol sa mga protesta ng “Umbrella Movement” sa Hong Kong at sa pagtatag ng partidong Demosisto.

Kinumpirma ng Immigration officials na hinarang si Wong sa pagpasok sa Thailand at pababalikin sa Hong Kong.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline