Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang mga babae na lumantad at labanan ang mga pang-aapi na kinakaharap nila sa lipunan.

Sa kanyang talumpati sa”Buhay at Babae” Woman’s Right sa Bulwagang Ka Pepe, sa Commission on Human Rights kahapon, hindi rin pinalampas ni De Lima ang mga pag-atake sa kanyang personalidad..

Tinukoy ni De Lima ang ilang kongresista na ginawang katatawanan ang sinasabing ‘sex video’ niya sa pagdinig sa Kamara.

“Hindi tayo pag-aari na gagamitin para himasin ang pagkalalaki ng mga taong kulang sa pag-iisip, pagkalalaki o sa pagiging tao,” ayon kay De Lima.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Aniya, ang kanyang naging kasalanan ay ang pagtataguyod sa karapatang-pantao at kuwestiyunin ang death toll sa anti-drug campaign na abot na sa 3,675 katao; 1381 ay napaslang ng mga pulis sa operasyon habang ang 2,294 naman ay kagagawan daw ng mga vigilante.

“Iyong parte ng pagkatao ko na napapainda sa mga suntok ng kalaban. Iyong parte na napapahinto at napapatahimik paminsan-minsan, lalo na kapag wala sa mata ng publiko. Iyong parte ng pagkatao ko na, para lamang makaalpas sa pinakamasasakit na dagok, ay kinailangang maging manhid at tuod, pansamantala. Opo, maging manhid pansamantala,” ani De Lima. (Leonel M. Abasola)