boy-abunda-copy-copy

NAGBUKAS na ang bagong branch ang Goodah Restaurant sa Tomas Morato na isa sa mga sinasabing may-ari si Boy Abunda.

Banggit ni Sir Boy, malaki ang pasasalamat niya dahil nakakatulong ng malaki ang bagong bukas na kainan para sa tinutulungan niyang foundation.

“Proud ako kasi ang laki ng tulong ng Goodah sa aming maliit na foundation na Make Your Nanay Proud at sa simpleng pag-orer nila ng Boy’s Bistek, three pesos nito ay mapupunta sa foundation kaya madaming nanay talaga ang natutulungan,” lahad ng host ng Tonight With Boy Abunda.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pero kahit masaya sa takbo ng career at sa bagong bukas na negosyo ay nalulungkot si Boy sa pagkakaaresto sa kanyang inaanak na si Mark Anthony Fernandez dahil sa dala-dala nitong isang kilong marijuana.

“Malungkot siyempre, but I cannot do a full discourse on drugs at show business dahil this is not the right place for that. Nakakalungkot kasi Mark is very close to me, inaanak ko si Mark pero I’d like to find out the story.

“Kumbaga, gusto ko munang malaman kung ano’ng totoong istorya at kung ano’ng pinanggalingan nito,” sambit ng premyadong TV host.

Sunud-sunod ang pagkakahuli ng mga taga-showbiz dahil sa illegal drugs. Kaya naitanong kay Kuya Boy kung pabor ba siya na pangalanan na o ilabas na sa publiko ang sinasabing listahan ng mga artistang sangkot sa ipinagbabawal na gamut.

“Para sa akin, if there’s a list there should be one list that include everybody who is guilty and who should be given a due process. Pero ‘yung ihihiwalay halimbawa ang artista, ihihiwalay ‘yung ibang propesyon, parang mas gusto ko ‘yung isahan lang,” opinyon ng King of Talk.

Kung mabigyan ng pagkakataon ay gustong hilingan ni Boy Abunda sa pamahalaang Duterte ang pantay-pantay na trato ng gobyerno para sa lahat ng mga tao, artista man ang mga ito o hindi.

“I’m not saying naman na public shaming is something I agree with pero ang para sa akin, kung nagpapangalan ng mga tao artista man o hindi dapat nagpapangalan -- kung pinapangalanan dapat walang exemption,” sey pa niya.

Wala raw siyang nakikitang pagkakaiba ng artista at ng isang police general. Kumbaga, lahat naman daw ay may kanya-kanyang pamilya na tiyak na malulungkot kung masasangkot sa kaso at lahat ay may reputasyon na dapat na protektahan.

“This is something na dapat pag-aralan pa, para sa aking opinion I am not sure about my position in so far as public naming is concerned, pero patas dapat. Ang tao ay tao kahit ano pa ang klase ng pagkatao at trabaho,” banggit pa ni Boy Abunda. (jimi c. escala)