MUKHANG may problema ang kilalang aktres na hindi pa rin nabubuntis kahit na ano ang gawin nila ng asawa niya. Sa tuwing tatanungin siya ng reporters kung bakit hindi pa sila nakakabuo ng mister niya, iisa ang sinasabi niya, “In God’s perfect time.”

Pero ayon sa taong kilala ang aktres na nakatsikahan namin, may problema sa bahay-bata niya dala ng ilang beses daw na pagpaparaspa.

Siyempre nagulat kami, kasi bakit niraspa ang kilalang aktres, e, hindi pa naman siya nagbuntis at isang beses pa lang siya nag-asawa.

“Hindi mo alam? Ilang beses siyang niraspa kasi nagpalaglag siya noon. Kung hindi ako nagkakamali, dalawang beses siyang nabuntis, pero hindi itinuloy kasi, alam mo na, ang career.... Pinili ang career over her baby.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“’Kita mo naman noon, she’s on the top, pero now, where is she now? Maski na anong project pa ang ibigay, still hindi na siya makakabalik pa unlike ‘yung ibang aktres na nabuntis, nagkaanak, pero ‘kita mo naman, kaliwa’t kanan ang projects plus award-winning pa kasi wala silang itinago.

“Unlike _____ (kilalang aktres), inalis niya ang dugo’t laman niya, and this is the reason why hindi sila nagkatuluyan ng nakabuntis sa kanya. Because the guy wants to have the baby, eh, hayun, nawalang parang bula,” kuwento ng source na kilalang-kilala ang aktres. (Reggee Bonoan)