Kapit-bisig ang British Embassy Manila at Armed Forces of the Philippines sa ilulunsad na ‘DisAbility in Sports’, isang adaptive multi-sport event para sa mga injured na sundalo bilang parte ng selebrasyon ng UK-Philippines Friendship Day ngayon sa Cuneta Astrodome.
Magsisimula ang mga laro para sa mga sundalong nasugatan sa ‘line of duty’ ganap na 10:00 ng umaga, sa pangunguna ni British Ambassador Asif Ahmad.
“We continue to see outstanding sporting achievement of persons with disability and our aim at this event is to show how positive energy can be directed to the welfare of service men and women who have suffered injury,” pahayag ni Ahmad.
Kabilang sa mga sports personality na inimbitahan sina PBA player Beau Belga, Allein Maliksi at RR Garcia.
Magbibigay naman ng opening remark si Major Santiago O. Rodriguez Jr.
Agad magsasagawa ng sporting Relay Activities at Wheelchair Basketball bago ang awarding at closing ceremony.
(Angie Oredo)