CANBERRA, Australia (AP) — Dinampot at kinulong ng Malaysian police nitong Martes (Miyerkules sa Manila) ang siyam na Australians, kabilang ang isang government adviser, matapos tumunga ng beer sa harap ng publiko suot lamang ang brief na may nakalimbag ng bandila ng Malaysia.

Nasa kustodiya ng pulisya ang siyam na tumunga ng beer sa sapatos at naghubad suot lamang ang Budgy Smuggler-brand swimsuits na may nakalimbag na Malaysia flag bilang pagdiriwang sa tagumpay ni Australian driver Daniel Ricciardo sa Malaysian Formula One Grand Prix.

Itinangi ni Foreign Minister Julie Bishop ang napabalita na ‘lapse of judgment’ ang kaganapan.

“It was clearly premeditated. They were wearing the Budgy Smugglers and had bought them in Australia,” pahayag ni Bishop sa Nine Network.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sinabi ni Bishop na nakausap niya si Jack Walker, adviser ni Defense Industry Minister Chris Pyne, na kabilang sa inaresto ng Malaysian police.

Ayon sa Malaysian police, iniimbestigahan nila ang siyam na Australian national “for intentional insult with intent to provoke a breach of peace” and public indecency.

Kung mapapatunayan, nahaharap ang siyam sa dalawang taon na pagkakakulong at multa.