Kaugnay sa kampanya ng Department of Labor and Employment (DoLE) na ibasura na ang ‘endo’ (end of contract) o kontraktuwalisasyon, umabot na sa 195 establisimyento ang tumugon at kusang-loob na nag-regular sa mahigit 10,000 manggagawa sa loob ng unang 100 araw ng administrasyong Duterte.

Ayon sa DoLE, ang nabanggit na bilang ay kumakatawan sa 20 porsiyento ng 50 porsiyentong target upang maalis ang ilegal na nakasanayang kontraktuwalisasyon bago matapos ang 2016.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kabilang sa mga employer na tumalima ay ang 7-Seven Inc. o Philippine Seven Corporation na nag-regular ng 800 manggagawa, at SM Group of Companies kung saan ginawang regular sa trabaho ang may 4,796 manggagawa. (Mina Navarro)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists