joshua-julia-ronnie-100216-copy

INSPIRED ng sikat na online series na “Vince and Kath” ang movie project na binubuo para kina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia, titled Vince and Kath and James.

Kuwento ng high school couple na sina Vince at Kath na mahilig ipahayag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa mobile messages.

Si Joshua ang gaganap bilang Vince samantalang si Julia naman ang magiging Kath. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa isang panayam sa tatlo, nabanggit ni Joshua na hindi na bago sa kanya ang kanyang role.

“Hindi naman nagkakalayo ang character ko dito sa character ko sa Barcelona (A Love Untold). Kaya lang dito, kaya ako nagpapatawa para matakpan kung ano man ang nararamdaman ko,” ani Joshua.

Si Ronnie, na introducing sa pelikula, ay nagsimula bilang Hashtag member sa It’s Showtime at ngayo’y unti-unti nang nakikilala. Gaganap naman siya bilang si James na cousin ni Vince.

“Additional (lang) si James dito, so ang laking pasasalamat ko na ako ang pinili,” masayang sabi ni Ronnie.

Pero kahit additional character lang, sinisiguro ni Julia na ang kanilang socialserye ay mananatiling faithful sa original na “Vince and Kath” story.

“Nandoon ang kilig. Nandoon ang texting. Walang nawala. Nadagdagan pa lalo like (‘yung character ni James) and nadagdagan din ng emotions, ng lalim, ng puso,” sabi ni Julia.

“’Tsaka dito mas ramdam na kasi kapag sa libro nababasa mo lang, eh,” dagdag ni Joshua. “Dito mas napapanood na mismo sa sinehan.”

Dalangin ng tatlo na maging positibo ang pagtanggap ng fans sa kanilang pelikula.

Naroroon naman ang chemistry ng tatlo at aware sila na ang good rapport nila ang magiging malaking plus factor ng kanilang pelikula.

“For how many years naman since I entered the business, marami na akong nakakapareha,” ani Julia. “Pero I think what’s important, if you want to build chemistry with the person that you are being paired up with, best foundation talaga is friendship, I’m glad that I found friends in both Ronnie and Joshua. I’ve been really comfortable with them sa set. I think doon talaga nagsisimula, kapag komportable kayo sa isa’t isa. Nakikita kasi sa screen ‘yun eh.”

Iri-release this year ang nasabing movie mula sa direksiyon ni Theodore Boborol under Star Cinema. (Ador Saluta)