WASHINGTON (Reuters) – Tila nakuha na ng United States ang tamang timpla kay Digong.

Ginagawa ngayon ng mga opisyal ng US ang lahat ng makakaya para hindi na muna pansinin ang anumang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala pa naman itong ginagawang hakbang para mabawasan ang pagtutulungang militar ng Amerika at Pilipinas.

Sinabi ng dalawang opisyal ng US nitong Lunes na ang pagkalas ng Pilipinas sa Amerika ay lilikha ng problema sa rehiyon, kung saan lalong nagiging agresibo ang China.

Gayunman wala pang mga seryosong usapan upang isakatuparan ang mga ito, kaya ayaw munang magsalita o gumawa ng anumang hakbang ng US na maaaring magtulak kay Duterte na totohanin ang mga naging pahayag nito.

National

Gadon, nanghinayang na sinuportahan ang mga Duterte

“He is like Mr. Trump,” sabi ng isang mataas na opisyal ng US military sa Southeast Asia. Ang kanyang tinutukoy ay si US Republican presidential nominee Donald Trump. “He craves attention, and the more he gets, the more outrageous he becomes. It is wisest to ignore him.”

Binigyang-diin ng mga opisyal ng US na kahit na sinabi ni Duterte na tatapusin na nito ang joint military exercises, palayasin ang US special operations forces sa Mindanao at rerepasuhin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ay wala pa sa mga ito ang isinasakatuparan ng Pangulo at tiniyak ng kanilang mga katapat sa Pilipinas na tuloy pa rin ang balikatan.

“No one is really losing sleep over it,” sabi ng isang US defense official na tumangging pangalanan.

“It is all bluster,” sabi naman ng ikalawang defense official at idiniin na ang mga pahayag ni Duterte “have not bled over into our world.”