Mga Laro ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- Adamson vs UST

4 n.h. -- FEU vs NU

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakataya ang solong kapit sa ikalawang puwesto sa pagtutuos ng defending champion na Far Eastern University at National University sa tampok na laro ngayong hapon sa UAAP Season 79 men's basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Magkasalo sa kasalukuyan sa ikalawang posisyon taglay ang parehong baraha na 4-2, magkakasubukan ang Tamaraws at Bulldogs ganap na 4:00 ng hapon matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng Adamson University at season host na University of Santo Tomas ganap na 2:00 ng hapon.

Kapwa, nagpapagaling ng sugat ng kabiguan ang dalawang koponan, ang Tamaraws kontra Tigers, 79-72, at Bulldogs kontra University of the Philippines Fighting Maroons, 80-69.

Hangad ni Tamaraws coach Nash Racela na makapagtala ng mas kumbinsidong panalo bilang buwelo sa pagpasok ng second round.

Ngunit, batid n’yang hindi ito magiging madali kontra Bulldogs na naghahanap din ng tapang para sa susunod na yugto ng kampanya.

Makakasama ng Tamaraws ang balik larong si defense specialist Ron Dennison matapos masuspinde ng isang laro.

"I just hope mailabas na nila at maipakita unti-unti yung full potential nila as a team," pahayag ni Racela, inaming nakukulangan pa sa teamwork at consistency ng Tamaraws.

Para sa Bulldogs, hindi na mahalaga kung sino ang mag-step-up sa laro at mamuno sa koponan basta't sama sama at tulong-tulong sila para makamit ang tagumpay.

Mauuna rito, kapwa galing sa kabiguan ang Tigers kontra University of the East (57-64), at ang Falcons sa kamay ng Tamaraws.

Tatangkain ng Falcons (3-3) na tumabla sa Ateneo (4-3) habang magkukumahog naman ang Tigers (2-4). (Marivic Awitan)