sunshine-copy

ANG inakala ng marami na makakaramdan na ng takot at iiwas/titigil na sa paggamit ng droga ang ilang taga-showbiz na kasama sa mga minamnamang drug personalities ay maling akala lang pala.

Alam ng lahat na matindi ang kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa droga pero heto at sunud-sunod na ang ginagawang pag-aresto sa showbiz.

Pagkatapos ni Sabrina M ay timbog na rin ang starlet na si Krista Miller sa isang buy-bust operation sa Valenzuela na umano’y parehong sangkot sa paggamit at pagtutulak ng illegal drugs sa showbiz.

Kahayupan (Pets)

Asong nasagip mula sa dog meat trade, nangangailangan ng tulong

Matatandaan na naging kontrobersiyal si Krista Miller nu’ng bisitahin niya sa hospital ang convicted druglord na si Ricardo Camata, pero mas pumutok nang husto ang pangalan niya nang diretsahang aminin na naging kabit diumano siya ni Cesar Montano noong asawa pa ng aktor si Sunshine Cruz.

Agad naming kinunan ng reaksiyon ni Sunshine Cruz hinggil bagong development sa buhay ni Krista na hindi tinatantanan ng bashers at may mga nagsasabi pang nakarma na raw ang starlet, huh!

Pero ang mabilis na banggit ni Sunshine sa amin, tigilan na raw sana ang mga panglalait kay Krista. Hindi raw siya natutuwa sa nangyari sa babae na dating naugnay sa ex-husband niya.

“Hindi naman dapat tayong magsaya sa anumang misfortune ng ibang tao lalong kasamahan din naman natin sa showbiz. Sa totoo lang, mas lalo akong naawa sa anak niya,” sey ni Sunshine.

“I heard na may anak siya. Siyempre, kawawa dyan ‘yung anak niya. Doon talaga ako mas naawa sa bata,” dugtong pa ni Sunshine.

Iniwasan din ni Sunshine na magbigay ng komento sa tanong namin kung matutulungan kaya ni Cesar Montano si Krista Miller.

“Sa totoo lang, eh, hindi na dapat akong magkomento tungkol naman diyan. Apat na taon na rin naman kaming hiwalay ni Cesar. Masaya na rin naman siguro ang buhay niya at ako naman I am very proud to say na okey na kami and I’m in a better place now,” lahad pa ni Ms. Sunshine Cruz. (JIMI ESCALA)