Upang makakalap ng karagdagang P14 bilyong kita, palalawakin pa ng pamahalaan ang Small Town Lottery (STL) operations sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ipinanukala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagtatayo ng 13 STL outlets, bilang karagdagan sa 18 kumpanya na kumikilos na.
“PCSO chairman Jose Jorge Corpuz presented his plan on how to grow the STL operations. At present, we have 18 STL companies or providers… They will be 13 more outlets,” ayon kay Andanar sa radio interview.
“The projected income is around P6 billion and the target income is P14 billion,” dagdag pa nito.
Sa kabila nito, tuloy pa rin naman umano ang crackdown sa mga iregularidad sa lotto operations.
“The crackdown will continue. Revenue collection has been low because the STL has been infiltrated by other gambling operations,” ayon kay Andanar.
Magugunita na sinabi ng pamahalaan kamakailan na nalulugi ng P20 milyon kada araw ang gobyerno dahil sa hindi tamang remittance sa kita ng STL operations. (Genalyn D. Kabiling)