Nagsanib puwersa ang Philippine Swimming League (PSL) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para magtulungan sa pangangalaga at pagbabantay sa iba’t-ibang uri ng krimen at korupsiyon hindi lamang kontra sa mga atleta kundi pati na rin sa nagpapabayang national sports association (NSA’s).
Mismong sina dating Senador at PSL Chairman Anna Dominique Coseteng at VACC Founding president Dante LA Jimenez ang pumirma sa dalawang pahinang kasunduan na inaasahan nitong makakatulong sa mga pambansang atleta sa pagnanais nitong makapagsilbi sa bansa at maprotektahan sa iba’t-ibang uri ng pagsasamantala.
“Many young swimmers, coaches, swimming teams and parents have become victims of crimes such as bullying, abuses (verbal and physical), and corruption in swimming and thus, they recognize the important role of the VACC in their quest for justice and protection against any persons and organizations, both government and private, that violate their constitutional and human rights,” ayon sa pinirmahang Memorandum of Agreement (MOA).
Inihalimbawa naman ni Coseteng ang mga naging kaganapan sa komunidad ng swimming kung saan ilang atleta noon ang hindi pinayagan na irepresenta ang Pilipinas at isinama sa listahan ng North Borneo gayundin ang naganap na pagpapalabas ng pondo para maitayo ang isang aquatic center.
“Mas mahirap ang nararamdaman ng isang bata na nakasuot na sa kanyang leeg ang pinaghirapan niyang medalya tapos babawiin dahil hindi ka nakapagbayad ng membership fee. Buong buhay niyang bibitbitin ang masaklap na pangyayari at trauma na iyon,” sabi ni Coseteng.
“The PSL aims to democratized Philippine swimming sports and to develop young Filipino swimmers under its grassroots development program. The PSL under its advocacy program provides seminars to educate the swimming community about their basic constitutional rights particularly under the “open-to-all” sports policy so the every Filipino swimmer/athlete will have the equal opportunity to hone their talent and ability,” ayon pa sa kasunduan.
Magiging responsibilidad naman ng VACC na tulungan ang mga miyembro ng PSL na biktima ng pang-aabuso at nais makahiling ng hustiya. (Angie Oredo)