Nais ng mga miyembro ng Kamara na bigyan ng P1 bilyong dagdag na pondo ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) na ilang taon nang pinagkakaitan ng Department of Budget of Management (DBM).

Binanggit ng mga kongresista ang isyu tungkol sa na-impound na P1 bilyong pondo para sa NCCA sa deliberasyon ng plenaryo para sa P31 million budget ng ahensya sa 2017.

Napag-alaman na ang P1 bilyon ay kumakatawan sa naipong pera o pondo para sa NCCA na ini-remit sa National Treasury ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa account ng National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA). (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'