CABANATUAN CITY - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 55-anyos na negosyante matapos siyang saksakin, pagtatagain at ratratin ng bala ng apat na hindi kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang apong lalaki sa Mayapyap Park Subdivision sa Barangay Kalikid Sur sa lungsod na ito, Lunes ng hapon.

Sa ulat na isinumite ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Juanito De Guzman, Sr., may asawa, ng nasabing lugar, na hindi na umabot nang buhay sa Nueva Ecija Good Samaritan Hospital.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ni De Guzman ang kanyang tricycle kasama ang dalawang taong gulang niyang apo nang harangin sila ng apat na lalaki, na pinagtulungang gulpihin, saksakin at barilin ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar