TOKYO (AP) – Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ng Japan ang pagkamatay dahil sa pagkalason ng dalawang matandang pasyente sa isang ospital sa Yokohama na dalubhasa sa terminal-stage care.

Kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa Oguchi Hospital nitong mga nakalipas na buwan. Nagbunsod ito ng mga haka-haka na maaaring sinasadya dahil laganap ang paglalason sa mga pasyente.

Lumutang ang kaso noong Setyembre 20 nang ipabatid ng ospital sa pulisya ang posibleng pagkalason ng isang 88-anyos na lalaki na namatay habang tinuturukan. Kinumpirma ng pulisya na ang IV solution na tinanggap ni Nobuo Yamaki ay kontaminado ng disinfectant.

Natuklasan na siya ang ikalawang biktima. Dalawang araw bago namatay ang dati niyang room mate. Nakita sa autopsy na ang unang biktima ay nalason sa parehong kemikal.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina