Umabot sa 440 katao ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa jaywalking at littering sa muling pagpapaigting ng disiplina sa mga lansangan.

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, simula Oktubre 3 ay 306 katao na ang nahuling lumalabag sa anti-littering (pagkakalat) at 134 sa anti-jaywalking (hindi pagtawid sa tamang tawiran).

“We want to continue to instil discipline among pedestrians and commuters alike. Following rules and regulations on the roads should be second nature to us all,” ani Orbos.

Ang mga lumalabag sa mga batas na ito ay magmumulta ng P500 at tatlong araw na maglilinis sa mga estero sa Metro Manila.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bilang bahagi ng pagdidisiplina, ibibigay ng MMDA ang pangalan ng mga lumabag sa National Bureau of Investigation (NBI) at maaaaring mapatawan ng hold departure order ang mga hindi nagbayad ng multa at nagsilbi sa kanilang parusa. (Bella Gamotea)