Nagbabala sa publiko ang Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa mga grupong nagpapanggap na miyembro ng Task Force Agila, team na binuo upang igupo ang narco-politicians sa bansa.

Ang babala ay ipinalabas ni DILG Sec. Ismael D. Sueno, matapos makatanggap ng report hinggil sa mga nagpapanggap na miyembro ng task force at nangingikil sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na iniimbestigahan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

“The DILG will not exchange for any amount the trust of the Filipino people and the trust of our President to lead a clean government in this administration,” ayon kay Sueno.

Binigyang diin ni Sueno na mahigpit na kinokondena ng ahensya ang extortion o pangingikil.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Task Force Agila ay binuo ng DILG nitong Agosto. (Chito A. Chavez)