INDANG, Cavite – Isinailalim na sa state of calamity ang bayang ito sa Cavite dahil sa chikungunya outbreak.
Idineklara ni Dr. George R, Repique Jr., hepe ng Provincial Health Office, ang outbreak sa Indang nitong Setyembre 30 makaraang makapagtala ng panibagong 51 kaso ng chikungunya sa ikatlong linggo lamang ng Setyembre ngayong taon.
Simula Enero 1 hanggang Setyembre 24 ay nasa 474 na ang kabuuang kaso ng chikungunya sa Cavite, na may tigalawang kaso lamang ang General Trias City at Dasmariñas District.
Matapos ideklara ang state of calamity, naglabas na ng pondo para sa misting operations, gamutan, pagsusuri at information dissemination, kasama ng iba pang gastusin. (Anthony Giron)