Pabor si Speaker Pantaleon Alvarez sa malayang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga patakarang panlabas ng bansa.

“So far naman, sa nakikita ko maganda naman ‘yung nagiging foreign policy ng Presidente dahil ipinapakita niya (na) ipinaglalaban niya ‘yung sovereignty ng bansa,” ani Alvarez.

Binigyang-diin ng Speaker na ang mga kilos at desisyon sa patakarang panlabas ay karapatan ng Pangulo kaya dapat na igalang ang istilo ni Duterte.

“Diplomacy is a matter of style nung leader. So, siguro baka ‘yung mga nakaraang Presidente iba ‘yung style nila sa diplomacy. Ito naman iba ‘yung style niya sa diplomacy. Let’s respect that,” giit ni Alvarez. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'