Para kay Senator Francis Pangilinan, ang problema sa ilegal na droga ay problemang pangkalusugan at hindi dapat na ituring na krimen.

Kapag tiningnan aniya ang mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot bilang mga nangangailangan ng atensyong medikal at hindi pawang mga kriminal na basta lamang pinapatay, matutugunan ang problema nang mas epektibo.

Ilan sa mga makakatulong sa adik ay ang pagre-rehab sa mga lulong sa droga, paglikha ng trabaho para sa mga mahihirap na dati’y kumikita sa pagbebenta ng ilegal na droga, pag-modernisa sa sistema ng hustisya para magkaroon ng takot at respeto sa batas ang bawat isa. (Leonel M. Abasola)

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay