CAS Sharapova Appeal Tennis

LAUSANNE, Switzerland (AP) — Makalalaro sa French Open at Grand Slam tournament sa Abril si Maria Sharapova.

Naselyuhan ang maagang pagbabalik aksiyon ng Russian tennis star nang bawasan ang doping ban na ipinataw sa kanya sa naunang dalawang taon nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Ipinahayag ng Court of Arbitration for Sport na binawasan ng siyam na buwan ang ipinataw na suspensiyon kay Sharapova, nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot na ‘meldonium’ noong Enero sa Australian Open.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Umapela si Sharapova, five-time Grand Slam champion at dating world No. 1-ranked player, sa CAS nitong Hunyo para bawiin ang dalawang taong suspensiyon na ipinataw ng International Tennis Federation (ITF).

Sinabi ng CAS panel na may kapabayaan sa panig ni Sharapova na nagdulot ng pagkapositibo ng kanyang drug test at ang 15 buwan suspensiyon ay nararapat lamang.

Naging epektibo ang ban nitong Enero 26 at matatapos sana sa Enero 25, 2018. Ngunit, dahil sa pagkatig ng CAS sa apela, makalalaro na ang isa sa pinakasikat at pinakamayamang atleta sa mas maagang panahon.

“I’ve gone from one of the toughest days of my career last March when I learned about my suspension to now, one of my happiest days, as I found out I can return to tennis in April,” pahayag ni Sharapova sa inilabas na media statement.

“In so many ways, I feel like something I love was taken away from me and it will feel really good to have it back,” aniya.

“Tennis is my passion and I have missed it. I am counting the days until I can return to the court.”

Maluwag namang tinanggap ni Steve Simon, CEO ng WTA Tour, ang desisyon ng CAS.

“We are pleased that the process is now at completion and can look forward to seeing Maria back on court in 2017,” aniya.

Sinabi ng ITF panel na napatunayan nilang hindi intensyon ni Sharapova na gumamit ng naturang gamot para makapandaya, ngunit nagkulang siya at responsibilidad niya na alamin ang anumang programa na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Inamin ni Sharapova ang paggamit ng ‘meldonium’, ngunit bilang medisina sa kanyang karamdaman. Nasibak siya ni Serena Williams sa quarterfinals ng Australian Open bago pumutok ang isyu.