SA pagtungo niya sa fashion show, mga selfie ng kanyang diamond teeth grillz, o ang karaniwang paggamit ng Snapchat -- detalyadong naidokumento ni Kim Kardashian ang kanyang pananatili sa Paris, hanggang sa isang oras bago siya tinutukan ng baril at pagnakawan ng mga alahas na nagkakahalaga ng $10 million.

Makikita sa naganap na insidente noong Lunes ang masamang epekto ng sobrang paggamit ng Twitter, Instagram, at iba pang social media, kaya si Kardashian na ang isa sa most visible celebrities sa mundo, paglalahad ng security experts.

Kahit hindi siya lumalabas sa reality show na Keeping Up With the Kardashians, o hindi sinusundan ng mga paparazzi, detalyadong ibinabahagi ni Kardashian ang mga pangyayari sa kanyang buong araw sa 84 na milyong Instagram at 48 milyong Twitter followers.

Ang labis na pagiging bukas sa publiko ni Kim ang maaaring nagpahamak sa kanya at nagpukaw sa mata ng mga kawatan sa Paris, na pinasok siya sa kanyang hotel room.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“With social media, everyone is posting updates all the time on an almost near real-time basis. You are essentially sending out a beacon as to your whereabouts,” saad ni Brian Calkin, vice president of operations ng Center for Internet Security.

“Kim may even have let people know she was alone at the time this happened,” sabi ni Calkin, na tinutukoy ang Snapchat video ni Kardashian, habang nasa couch at nakasuot ng puting bathrobe, isang oras bago pumasok ang mga armadong lalaki sa bahay na kanyang tinirhan sa Paris.

Sa nasabing video, nakasuot si Kardashian ng 15-carat na diamond engagement ring na bigay ni Kanye West noong 2013. Ipinakita rin niya ang kanyang singsing na nagkakahalaga ng $3 million sa Instagram ilang araw bago naganap ang insidente.

Wala na ang singsing sa daliri ng star nang bumalik siya sa kanyang apartment sa Manhattan noong Lunes, kaya kumalat ang mga haka-naka na maaaring kabilang ito sa mga nakuha sa kanya. 

Hinahanap na ng mga pulis sa Paris noong Lunes ang limang magnanakaw at iniimbestigahan kung paano nila natunton si Kardashian sa isang exclusive private residence.

Gayunman, matagal nang ipinapayo ng mga security expert sa publiko na limitahan ang mga personal information na inilalabas sa social media, partikular sa mga bakasyon at mamahaling gamit.

“We have made it very easy for anyone, anywhere, to gather intelligence and follow our every move,” ani Robert Siciliano, na may security firm sa Boston. “It is beyond irresponsible. It is just crying out to be robbed.”

Ang pinakamalaking panganib ay ang pagta-tag ng mga larawan at video, o pag-switch on ng location data ng cellphone.

“Every modern smartphone has full GPS capabilities that can tell you within 100 feet exactly where a person is,” ani Calkin.

Kahit hindi nagge-geotag si Kardashian, ipinapakita naman ng kanyang mga social media account ang lahat ng kanyang ginagawa.

Sa Paris, nag-post si Kardashian ng mga larawan ng kanyang sarili na nagpi-facial, nagbibihis, at ng mga suot niya para sa mga fashion show sa Balenciaga, Balmain, at Givenchy, paglalakad sa kalye at paglabas sa gabi kasama ang mga kapatid.

“Celebrities want as wide of an audience as they can,” saad ni Calkin. “But there are a lot of people out there looking to do malicious things and those are the folks you’ve got to really look out for.” (Reuters)