PEARL HARBOR, Hawaii (AP) – Sinabi ng defense minister ng Singapore na kailangang maghanap ang mga bansa ng mga praktikal na solusyon upang mapahupa ang mga insidente sa South China Sea.

Sinabi ni Ng Eng Hen sa mamamahayag noong Biyernes, sa sidelines ng pulong sa Hawaii, na hindi dapat nasasangkot ang mga barkong militar sa mga insidente dahil mayroong protocols sa mga sagupaan sa dagat.

Tinalakay ng mga defense ministers mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ni U.S. Defense Secretary Ash Carter sa kanilang pagpupulong sa Hawaii ang mga paraan kung paano maiwasang lumala ang mga ganitong insidente, ayon kay Ng.

Walang inaangkin sa mga pinagtatalunang kapuluan ang Singapore, ngunit ayon kay Ng, interesado ang kanyang bansa sa mga isyu dahil ang South China Sea ay pangunahing shipping route at maraming ekonomiya ang nakasandal dito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina