Ni Marivic Awitan

SINUWAG ni Ginebra import Justin Brownlee ang nakadepensang si Elljah Millsap sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 4 ng OPPO-PBA Governor’s Cup best-of-five semifinal. Nagwagi ang Beermen para maipuwersa ang ‘sudden death’. (RIO DELUVIO)
SINUWAG ni Ginebra import Justin Brownlee ang nakadepensang si Elljah Millsap sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 4 ng OPPO-PBA Governor’s Cup best-of-five semifinal. Nagwagi ang Beermen para maipuwersa ang ‘sudden death’. (RIO DELUVIO)
Laro ngayon (Smart-Araneta Coliseum)

7 n.g. – SMB vs Ginebra

Nakalatag na ang lamesa at ang tagayan sa barangay. Ngunit, kung ano ang dahilan ng kasiyahan ang mapagtatanto ngayong gabi sa ‘winner-take-all’ duel ng San Miguel Beer at Ginebra Kings – dalawang pinakapopular na koponan sa pro league – para sa finals ng OPPO-PBA Governor’s Cup.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Itotodo na kapwa ng defending champion Beermen at Gin Kings ang pamato’t panabla para sa inaasam na final berth ng season-ending conference.

Nakatakda ang sagupaan sa 7:00 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Napigilan ng Beermen ang tagayan ng crowd-favorite nang maagang laguin ang Kings, 101-72, sa Game 4 nitong Linggo para maipuwersa ang ‘do-or-die’ sa kanilang best-of-five semifinal series.

Patas ang laban. Walang nakalalamang, kung kaya’t inaasahang dadagsa ang mas maraming tagahanga para saksihan ang inaasahang klasikong sagupaan para sa unang final slots.

Tangan ng Meralco Bolts ang 2-1 bentahe kontra top seed Talk ‘N Text sa hiwalay na best-of-five semis duel.

Matapos magtala ng 22 puntos sa Game Three, tampok ang game winning jumper, nalimitahan lamang si Japeth Aguilar sa isang puntos at dalawang rebound.

Nakadidismaya ang naturang opensa ni Aguilar, ngunit kumpiyansa si coach Tim Cone na muling magbabalik ang matikas na kampanya ng 6-foot-9 forward para mabigyan ng lubos na kasiyahan ang barangay.

Inaasahan namang sasandal ang Beermen kay Marcio Lassiter na nagtala ng 25 puntos.

Nag- ambag naman ng double double sina Junemar Fajardo at import Elijah Millsap para maipuwersa ang Kings sa bangin ng kabiguan.

"We've been in this situation before, kaya tiwala ako sa mga players ko na alam na nila ang dapat gawin," pahayag ni SMB coach Leo Austria.

Kumpiyansa naman si Aguilar sa kanyang magiging performance, gayundin ni import Justin Brownlee.

"For us to win, we have to play our best game,†pahayag ni Aguilar.

Iskor:

SMB (101) – Lassiter 25, Fajardo 17, Cabagnot 13, Millsap 13, Santos 13, Ross 9, Arana 3, De Ocampo 2, Espinas 2, Heruela 2, Mabulac 2, David 0, Reyes 0, Semerad 0, Tubid 0

GINEBRA (72) – Brownlee 28, Tenorio 17, Devance 6, Cruz 5, Caguioa 4, Marcelo 4, Helterbrand 3, Bonifacio 2, Salva 2, Aguilar 1, Mariano 0, Mercado 0, Thompson 0

Quarterscores: 30-22, 55-29, 82-52, 101-72