Pinulbos ng Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation, sa pangunguna ni Fil-Canadian Clay Creelin na kumuba ng 28 puntos, ang New San Jose Builders, 91-56, nitong Linggo sa 2016 MBL Open basketball tournament sa Rizal Coliseum.

Ratsada ang 6-4 slam dunk champion mula sa Brackendale, Vancouver sa matikas na all-around game para sandigan ang FEU-NRMF sa ikalawang sunod na panalo sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry's Grill.

Nanguna sa San Jose sina Kevin Sumay at Jayson Grimaldo sa naiskor na 17 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nalusutan naman ng defending champion Macway Travel Club ang matikas na hamon ng Wang's Interclub, 88-79, para sa ikalawang sunod na panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw ang dating Lyceum standout na si Pol Santiago sa Macway sa natipang game-high 27 puntos, tampok ang 11 sa final quarter.

Nakatulong niya sina Teng Reyes, Totot Mangaran, at Alvin Vitug para maitakas ang panalo mula sa makapigil-hiningang bakbakan.

Iskor:

(Unang laro)

FEU-NRMF (91) - Creelin 28, Arafat 16, Manalo 13, Asoro 11, Raymundo 7, Cabrera 6, Gabayni 4, Zamora 3, Tan 3, Rodriguez 0, Wong 0.

San Jose (56) - Sumay 17, Grimaldo 13, Baliday 7, Lao 5, Saturno 4, Palogan 3, Aurelio 2, Acuzar 2, Sabanto 1, Decano 1, Telles 1, Sopranes 0.

Quarterscores: 27-12, 44-26, 64-33, 91-56.

(Ikalawang laro)

Macway (88) - Santiago 27, Reyes 14, Mangaran 10, Vitug 10, Natividad 8, Lagrimas 8, Fampulme 5, Laude 4, Espinosa 2, Viscarra 0, Melano 0.

Wang's (79) - Montuano 16, Acosta 11, Flores 11, Banal 10, Juruena 6, Labin-Isa 6, Publico 6. Lasco 5, Tayongtong 5, Acuna 3, Dadjilul 0, Lucas 0.

Quarterscores: 26-20, 37-39, 64-57, 88-79.