Ben Mbala (MB photo)
Ben Mbala (MB photo)
Patuloy ang dominasyon ng powerhouse La Salle sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa pangunguna ng kanilang Cameronian import na si Ben Mbala.

Ang 6-foot-7 na si Mbala ay muling nagtala ng kahanga-hangang all-around game para pamunuan ang Green Archers sa pagwalis sa first-round ng elimination – kauna-unahan sa koponan mula noong 2002.

Isang transferee mula Southwestern University sa Cebu, ipinakita ni Mbala ang kahusayan sa naitalang average na 23.5 puntos, 15.0 rebound, 4.0 assist, 3.0 steal at 2.0 block sa nakaraang huling dalawang laban ng La Salle kontra University of the East at archrival Ateneo.

Ang kagustuhang makabawi sa nakaraang taong hindi paglalaro dahil sa paglabag sa league residency rule ang nagsisilbing pampagana kay Mbala.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I just want to make the most out of it. I wanna make sure, they remember the guy who was out for three years,” ayon kay Mbala, napiling ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week awardee.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nabigyan si Mbala ng nasabing citation.

Sa kanilang 84-78 na panalo sa Red Warriors noong Miyerkules, nagtala si Mbala ng 19 puntos at 17 rebound.

Apat na araw kasunod nito, nagtala naman siya ng 28 puntos at 13 rebound sa 97-81 panalo kontra Blue Eagles.

Tinalo ni Mbala sa parangal sina National University forward Matt Salem at Alvin Pasaol ng University of the East. - Marivic Awitan