Anumang araw mula ngayon ay inaasahan nang ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlong listahan ng mga pulitiko at iba pang personalidad na sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, na limang beses na pina-verify ng Pangulo ang listahan para matiyak na wala itong mali.

Magugunita na humingi ng paumanhin ang Pangulo kay Pangasinan Rep. Amado Espino at Pangasinan board member Raul Sison at dating Pangasinan provincial administrator Rafael Baraan matapos magkamaling maisama ang pangalan ng mga ito sa inilabas niyang drug matrix. - Beth Camia

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?