Nakopo ng Global FC ang kampeonato sa 2016 United Football League matapos itala ang 7-0 panalo kontra Laos FC Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Agad na iniuwi ng Global FC ang kanilang ikatlong titulo sa UFL League kahit may isa pa itong natitirang laro kontra sa Laos sa laban na nagsimula kahit mayroon lamang itong 10 miyembro sa loob ng pitch.

Dahil sa panalo, ang Global ang naging ikatlong koponan na nakamit ang double sa UFL League at FL Cup title.

Ang dobleng panalo ay kumpletong pagbabago para sa club matapos ang nakahihiyang 2015 season kung saan tumapos itong ikalawa sa League at nasuspindi sa UFL Cup dahil sa player eligibility issue.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Hindi nakasama sa koponan ang mga miyembro ng Azkals na naghahanda sa FIFA International friendly match.

“It’s been a tough journey,” sabi ni Global chief executive Dan Palami. “We’re happy that we’re able to prove to everybody that Global FC is the most successful team in the Philippines.”

Kailangan lamang ng isang puntos para masungkit ang titulo, nagpakitang gilas ang Global para gawing mas masaya ang kanilang koronasyon.

Agad isinalpak ni Minegishi ang unang dalawang goal para sa Global sa loob ng 10 minuto para pasimulan ang laro. Itinala ni Hartmann ang iskor sa 3-0 sa ika-19 minuto ng laban.

Kinumpleto naman ng Japanese winger ang kanyang hat-trick makalipas ang apat na minuto sa second half. Sunod dito si Ivan Petrovic sa ikalimang goal sa 58th minuto.

Kinumpleto ni Hartmann ang dominasyon sa pagtala ng hat-trick shot ika-79 at ika-90 minuto upang tanghaling “Man of the Match”.

Ikinatuwa ni Global coach John Burridge ang suporta mula kay team manager Leigh Manson at Palami. - Angie Oredo