Ni NORA V. CALDERON

SALAMAT sa social media at madaling makarating sa atin ang mga nagaganap na pangyayari sa ibang bansa. Isa na rito ang successful show ni Alden Richards sa United Kingdom, ang kanyang concert na At Last in London na ginanap sa Troxy Theater last Sunday afternoon (10:00 PM dito sa atin), October 2.

Hindi maikakaila sa pamamagitan ng posts ng fans ni Alden sa London at iba pang panig ng UK ang napakaraming nanood sa concert.

Saksi rin ang colleagues naming sina Noel Ferrer, Allan Diones at Gorgy Rula na nagbabakasyon ngayon doon kaya mabilis silang nakapagpadala ng photos and videos. May friend naman kaming nanood sa Periscope at blow-by-blow niyang ikinuwento sa amin ang mga nagaganap simula pa nang mag-start ang concert at 3:00 PM.  Nagreklamo nga lamang daw ang fans na ang daming nag-front act na local talents doon, pero napawi ang complaints nang tawagin na si Alden.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Opening song niya ang Wish I May, ang title track ng kanyang first album sa GMA Records na naka-8 times Platinum na. Sinundan ito ng theme song ng AlDub Nation na God Gave Me You at bumaba pa sa audience si Alden.

Nagpasalamat sa lahat ng fans ang binata na patuloy na sumusuporta sa kanila ni Maine Mendoza, kahit malayo sila. Kitang mababait ang malalaking lalaking security ni Alden na umaalalay lang sa kanya dahil behave naman ang fans na kumukuha ng picture at nakikipag-selfie sa kanya.

Nagkaroon ng game portion, tumawag ng ilang babae na magbibigay ng pick-up lines at may premyo ang mapipili. Tilian at palakpakan sa isang babae na ang pick-up line ay: “Alden, para kang tatay.” Sagot ni Alden: “Hindi pa. Parang tatay, bakit po?” “Para kang magiging tatay ng mga magiging anak ni Maine!” Alden: “Boom! Ganda nu’n!”

Ang naturang pick-up lines ang napili at nanalo.

Sumayaw si Alden ng Trumpet at isa pang medley of songs, bago niya kinanta ang first single niyang Rescue Me mula sa bagong album niya sa GMA Records na Say It Again. Wala nang ‘more’ ‘more’ dahil hanggang two hours lamang talaga ang show.

May picture si Alden kasama ang all-girl group na Zyrah Rose na nag-front act sa concert. Sila raw iyong Britain’s Got Talent 2016 finalist. Biro sa tweeter kay Alden, lagot daw siya kay Maine, kaya dapat ay umuwi na agad siya.

Ngayong gabi, aalis ng London si Alden, kaya malamang na Wednesday evening, nasa Pilipinas na uli siya at balik-trabaho agad.