NASUGBU, Batangas – Bangkay na nang matagpuan ang isang binatilyo matapos makuryente habang nagpapastol ng kambing sa Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng kanyang ama ang biktimang si Reymar Abellera, 16, ng Barangay Butucan, Nasugbu.

Ayon sa report ni PO3 Ramon Sale, dakong 10:30 ng gabi nitong Linggo nang matagpuan ang bangkay ng binatilyo matapos umanong magpastol ng kambing sa isang quarry site at pinaniniwalaang napahawak sa bakal na konektado sa generator set. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar