Prayoridad sa ikalawang yugto ng peace talk na idaraos sa Oslo, Norway ang pagkakaroon ng bilateral ceasefire at amnesty proclamation.

Ang negotiating panel ng Philippine government (GRP) at National Democratic Front (NDF) ay inaasahang magpapalitan ng draft hinggil dito sa bubuksan peace talk sa Oktubre 6.

“The previous ceasefires were unilateral. We need to craft mechanisms to monitor violations and resolve conflicts and issues arising from them,” ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Magugunita na nagdeklara na ng tigil-putukan ang magkabilang panig, ngunit hindi pa ito permanente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nais ng magkabilang panig ang tuluyang tigil-putukan at maisasakatuparan lang ito kapag mayroon nang social at economic reforms.

Ang magkabilang panig ay mayroon nang draft hinggil sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

Hinggil naman sa amnesty proclamation, sinabi ni GRP peace panel head Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III na handa na umano ang draft nito na ilalatag sa negotiating table.

“The list has been narrowed down to just over 400 from a high of more than 500. As per agreement during the formal resumption of the peace talks in August, the proclamation will only cover NDF members currently detained,” ani Bello.

Sa kadulu-duluhan, ang general amnesty ay maaari umanong ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte, base na rin sa aksyon ng Kongreso.

Ang peace talk sa pagitan ng pamahalaan at NDF ay bukas-sara sa loob ng 30 taon. Halos 40 beses nang sinubukan ang usaping pangkapayapaan, ngunit hindi ito nagtagumpay.