Malaking perhuwisyo ang napaulat na naidudulot na ngayon ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay matapos maiulat na walong lugar, kabilang ang tatlong lungsod, sa paligid ng bulkan ang nakararanas ng matinding kakapusan ng tubig sa kani-kanilang water resources.

Kinumpirma naman ito ni Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na nagsabing bunsod ito ng magmatic activity ng bulkan.

Paliwanag ni Laguerta, una na nila itong isinisi sa dry spell na dulot ng El Niño, ngunit malaki umano ang naging epekto nito sa patuloy na abnormalidad ng bulkan. - Rommel P. Tabbad

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito