CHASKA, Minnesota (AP) — Pinangunahan ni Patrick Reed ang mainit na ratsada ng Team USA sa krusyal fourballs event nitong Sabado (Linggo sa Manila) para patatagin ang kampanya na mabawi ang Ryder Cup.
Tangan ng Americans ang 9 1/2-6 1/2 bentahe kontra sa Europe tungo sa krusyal na individual play. Kakailanganin ng US na maipanalo ang lima sa 12 singles match para muling makamit ang Ryder Cup sa unang pagkakataon mula noong 2008 at ikatlo sa loob ng dalawang dekada.
Ngunit, nasa panig ng Europe ang kasaysayan.
Naghabol din ang European sa 6-10 laban sa US team na pinangungunang ni Davis Love III – coach ngayong ng Americans – sa Medinah bago nasungkit ang korona.
“We’re going to have to play tomorrow, as we’ve done before from a worse deficit,” pahayag ni European captain Darren Clarke.
Kung may kirot man sa katauhan na nadarama si Clarke, ito’y ang mapanood kung papaano sumablay ang kanyang matalik na kaibigang si Lee Westwood sa krusyal na putt sa back nine tungo sa kabiguan kasama ang katambal na si Masters champion Danny Willett.
Sa kabuuan ng laro, hindi sumablay si Westwood sa kanyang mga tira sa layong limang talampakan para manatiling patas ang duwelo kina J.B. Holmes at Ryan Moore bago dumating ang krusyal na tira sa par-3 No.17 dahilan para sa 1-up panalo ng US Team.