Nakubra ng Warriors ang unang panalo sa pitong laro sa UAAP Season 79 nang gapiin ang Adamson Falcons, 64-57, kahapon para tabunan ang propagandang pagbalot ng itim sa labanang La Salle at Ateneo sa MOA Arena sa Pasay City.
Sa kahabaan ng Katipunan sa Quezon City, nagbigay nang pagpupugay ang masa sa pagdaan ng labi ni Senador Miriam Santiago para sa kanyang huling hantungan sa Loyola Park sa Marikina City.
Ratsada sa 17-3 run sa pagsisimula ng final period, tumatag ang Red Warriors para makamit ang unang panalo sa torneo na itinuturing na ‘glamorosong liga’ sa bansa.
Hindi sinasadya, nakamit ng Warriors, pinangangasiwaan ni Derrick Pumaren, ang panalo kontra sa Falcons, ginagabayan ng nakababatang kapatid na si Franz.
“I thought I won’t see you guys in the first round. Kaya welcome back daw,” pahayag ni UE coach Derrick Pumaren sa post-game interview.
“It was a hard-earned win. When we were up by five points with six minutes in the fourth, I told them there is nothing to celebrate. There is still an eternity of basketball. We just have to close out the game and we finally closed it out.”
Nanguna sa Warriors si Alvin Pasaol sa naiskor na 13 puntos, pitong rebound, tatlong assist, dalawang steal at dalawang block, habang kumana si RR De Leon ng 12 puntos .
Naghabol ang UE sa 45-40 sa pagpasok ng fourth before, subalit kaagad na nakahirit sa fast break tungo sa 17-3 run, tampok ang three-pointer ni De Leon at agawin ang bentahe sa 57-48.
Nanguna si Papi Sarr sa Adamson sa nakubrang 13 puntos at 25 rebound. Nakamit ng Falcons ang ikalawang sunod na kabiguan para sa 3-3 karta.
Iskor:
UE (64) — Pasaol 13, De Leon 12, Batiller 9, Manalang 7, Varilla 5, Bartolome 5, Olayon 5, Palma 2, Charcos 2, Penuela 2, Derige 2, Abanto 0.
Adamson (57) — Sarr 13, Ahanmisi 10, Manganti 8, Espeleta 6, Manalang 5, Ochea 5, Tungcab 5, Bernardo 3, Camacho 2, Mustre 0, Pasturan 0, Ng 0.
Quarterscores: 7-14, 21-30, 40-45, 64-57.